Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa,
sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa
ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang
mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya
mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod
na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang
ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng
mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.a
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o
orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng
diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko
na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan
o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina.
Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan
ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng
lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng
layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng
pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan
ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon..Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang
isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik
tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming
mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na
rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas
naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi
lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit
natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay.
Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa
Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas
ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo. Pero para sa
akin at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang
Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating
katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling
bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang
Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika kaysa sa ibang wika
kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang
kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.
Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na
nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman
natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang
isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay
isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao.
Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng
isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa
kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang
ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang
sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit
gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro
na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na
ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung
magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga
Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang
ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
Ang pasalitang Diskurso
Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit
ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan
upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito
binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo
ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung
sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama
o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati,
e-mail at artikulo.
https://www.facebook.com/marbenjomar
https://www.youtube.com/watch?v=SlySEBkXZEk&feature=youtu.be
https://www.facebook.com/boodibudee/posts/1252723488149792?notif_t=tagged_with_story¬if_id=1485775982996079
https://www.facebook.com/marbenjomar
https://www.youtube.com/watch?v=SlySEBkXZEk&feature=youtu.be
https://www.facebook.com/boodibudee/posts/1252723488149792?notif_t=tagged_with_story¬if_id=1485775982996079
Pwede po bang malaman ang buong pangalan ng manunulat? Gagamitin ko po sana bilang sanggunian.
TumugonBurahinKahit apelyido lang po
TumugonBurahin